"Tol. Tangina. Lagi ako nanaginip na nakabigti daw ako.Pag nagkatotoo un, yosi nalang abuloy mo sakin", sabi ng kaibigan ko.
Nagtawan lang kami.
Matapos ang 1 linggo.
"Tol. Ampon pala ako. Kaya pala hindi ko man lang maramdaman na mahal nila ako," sabi nya.
Agad kong siyang pinayuhan. Pinigilan ko sya maglayas. At napigilan ko naman.
Kinabukasan.
"Tol. Punta muna ako ng langit. Libre mo naman akong yosi dyan, para my baon ako," sabi nya.
Nagkwentuhan muna kami ng mga tungkol sa chicks, mga ganun.
Umalis na sya dahil baka malate daw sya.
Nang makita ko si Jun, tumatakbo, barkada namin.
"TANGINA TOL SI JUSTINE NAGBIGTI"
Tumawa ako.
"Gago. Di magandang biro yan. Kasama ko siya dito kanina. Nagyoyosi pa nga kami. Di ba Ate Jean?" sabay tanong sa tindera.
"Kanina pa kita naririnig na may kausap dyan pero wala akong makita. Akala ko tuloy bangag ka."
Takbo ako kina Justine at nakita ko syang nakabigti.
Hawak ang yosi.
No comments:
Post a Comment