"Next" ni Stephani dG.



UPLB. New Dorm.2nd sem. AY: 2008-2009

Meron kaming case study presentation na nirurush ng kaklase ko one night. Sa New Dorm na kami gumawa at mag tatranscient na lang siya. Sa study room kami gumagawa. Sa likod ng study room ay yung laundry area. 

Mga 2 AM, 3 na lang kami sa study room. Ako, si classmate at isang guy dormmate. Wala na ring tao sa lobby, patay na ang mga ilaw sa labas pati yung guard eh wala (sa labas siguro ng dorm nagbabantay or tulog na,di ko sure).

Minsan nakakaramdam ako ng mga "spirits" or "things out of our world" pero minsan lang naman. Kaming 3, nasa isang table lang. Kami ni classmate nakaupo na nakatalikod sa may laundry area at si dormmate naman eh nakaharap sa laundry area. Di ko alam kung dahil madaling araw na kaya parang uncomfortable na rin ako. 

Mga 4 AM…

Ako: Classmate, tara na. Sa room na natin to tapusin.

Dormmate: Woooooh. Kayong dalawa lang sa room,di ba? Ingat kayo baka di lang pala kayo 2 dun. *tawa siya habang ako nakatingin lang sa kanya na naka poker face*

Ako: Alam mo, actually ikaw ang inaalala ko. May naramdaman kasi ako biglang kakaiba sa room eh. O siya, akyat na kami. Text mo na lang ako pag natakot ka.

D: Wui! wag ka namang ganyan! Binibiro lang naman kita eh.

A: Pwes, ako hindi nagbibiro. Goodnight!

Pagkagising ko, may text si Dormmate. Puro mura.Hindi ko maintindihan kung bakit. Walang explanation. Pag baba ko ng kwarto, nasalubong ko roommates niya.

Roomate 1: *tumatawa* Anung ginawa mo kay *Dormmate’s name* kagabi? Tinakot mo daw.

Roomate 2: Nagising kami dahil nagmamadali siyang pumasok sa room na takot na takot.

*Dumating na si Dormmate*

D: Hoy Tricia! *Insert foul words here* 

A: Anyare ba? Puro ka mura eh. 

*Eto daw ang nangyari pagkaalis namin.

May kumatok daw sa pinto. Binuksan niya pero walang tao. Madilim rin sa may lobby. Akala daw niya ako lang yun na pinagtitripan siya. Kumatok ulit, binuksan niya. Wala pa rin at parang nag call out daw siya na itigil ko na (kasi nga akala niya ako). Naulit pa ito ng ilang minuto, hindi na daw niya binuksan ung pinto, nilakasan ung sounds ng laptop niya. Napaisip nga daw siya na ang persistent ko daw mang trip kong ako daw man yun. Nung may kumatok ulit, naisipan niya ng tignan muna yung reflection sa may salamin kung sino yung kumakatok. Wala daw talagang tao. So natakot na siya pero dinaan na lang daw niya sa pagkanta. Nung tumigil na daw ung pagkatok, nagchange daw yung kantang pinapatugtog niya. Para daw bang may pumipindot nung “NEXT” na button sa player eh hindi naman niya ginagalaw kasi gumagawa siya ng paper. Hanggang sa may naglalabasan na daw na letters sa ginagawa niyang paper at pati color at style daw nagbabago. Sinubukan daw niyang i-shut down pero di daw mashut down ung laptop niya at dito na daw siya nagpanic at tumakbo papunta sa kwarto nila.

Ayoko sanang maniwala pero kahit nung kinekwento niya yung nangyari sa akin eh ang putla pa rin niya at takot (and yes,minura pa niya ako some more) haha. 

No comments:

Post a Comment