Matalino na nga, may sense of humor pa, magaling pang mambola!
All for Uno! :))))
Social Anthropology 151 (Institutional Studies) 2nd Long Exam Bonus questions:
1. Maganda ang teacher mo sa SA 151. Tama o tama. Ipaliwanag.
- Tama. Too pretty to explain why.
- Isang tanong na mahirap sagutin dahil wala naman po kaming choice. Nako Ma'am, hindi naman po kasi kayo maganda, kaya invalid po ang tanong. Dahil alam po naming sobrang sobrang sobrang ganda niyo
- Ipapaliwanag ko pa ba? Sabi nga nila, "do not state what's obvious".
- Tama. Hindi na kailangang ipaliwanag pa. Siya ay iyo lamang pagmasdan at sapat na itong paliwanag.
- True because she isn't just pretty on the outside but also within as based on the stories and the comments made by others about her (all are positive, by the way). She's also very smart which, for me, is the true definition of beauty.
- Tama na maganda ang guro ko sa SA 151. Siya ay matalino at marunong makinig sa mga sinasabi ng mga estudyante. Madami akong natututunan sa kanya at inererekomenda ko siya sa lahat ng Social Anthropology majors. Mabait siya kaya ipapasa niya ako. Diba Ma'am? ---> Kaya naman pala mababango ang mga salita. May gustong hinging pabor. Hmp.
- TAMA! TAMA! TAMA! Dahil ang kagandahan ng aming guro sa SA 151 ay hindi lamang sa panlabas na anyo. Oo, pati na sa kalooban nito dahil nakikita at mararamdaman ang kanyang kagandahan sa ugali lalo na sa klase dahil marunong siyang makisama. At siyempre, lalo na sa pagbibigay ng grades! ---> Isa pa 'to.
-Tama! Hot eh! Fashionista. Magaling pa kumanta.
- Sabi nga ng isang character sa isang TV series na pinapanood ko, "Inner beauty is the most important thing because the outer ugly is fixable." Maganda ang teacher ko sa SA 151 dahil maganda ang ugali niya at matalino pa. Syet. Gusto ko yung short hair na brown, yung red na eyeglasses at yung height. Need I say more?
- Tamang tama!Dahil kapag pumapasok siya sa room, nabibighani ang mga tao rito at gumaganda ang ambiance. ---> Bumabango din ba ang kapaligiran? Hihi
- Tama. Dahil maganda at gwapo din ang kanyang mga estudyante. Bagong color ang hair. Pinaghandaan kasi ang question na ‘to.
- Opo! Tamang tama! Sa sobrang ganda niya, naisip kong ipakilala siya sa kuya ko.
- Tama, dahil:
1. Crush siya ng roommate ko.
2. Maganda ang utak niya as exemplified in our class discussions.
3. Maganda ang kalooban dahil nagbibigay ng pagkain sa exams
4. Cool lang talagang teacher at
5. Coolness = beauty
6. Pero di ko na masyadong pupurihin si Ma’am at baka magalit girlfriend ko.
2. Kung magbibigay ka ng payo sa iyong mabait na guro tungkol sa usaping lablayp, ano 'yon?
- Mag-asawa na po kayo by 25. ---> Mabuhay ka, Ate! Tignan natin. Abay kita. Pramis.
- Ma'am, package na kayo. Darating din yang si Mr. Right Guy. Huwag niyo muna yang problemahin, isipin nyo na lang po muna kung papaano niyo kami bibigyan ng uno. ---> wais na bata.
- Time will come. Hintay hintay lang din. Pero huwag masyado magfocus sa lablayp baka maapektuhan ang career. Huwag papaloko din lalo na't almost perfect na kayo Ma'am, maganda at matalino.
- Magbigay ng hint sa iyong natitipuhan ---> payo nga, diba? #medyo tsismosa. Hehe
- I don't think she needs way more advice since I think she can get any guy she wants. She's just hung up on a guy that doesn't see her (yet) in "that" way. ---> Tagos sa
- Mahal ka niya Ma'am. Di lang sa paraan ng ineexpect mong mahalin ka nya. positive thoughts lang dapat! ---> Assume assume din pag may time, ano? Haha!
- Cute si kuyang naka-glasses. Yung hinatid niyo po last time sa baba ng SM. ---> at ako talaga ang naghatid? Wow ha. At sino ung nakaglasses? Huwatt? [insert amnesia moment here]. At nasaan ang payo sa sentence mo, kuya? Haha
- It gets worse before it gets better. Try not to panic. It's a survival tip.
- Ma'am sawi din ako kaya hindi kita mabibigyan ng advice. ---> Wait, sinong nagsabing sawi ako? Duh. Ganda ko kaya.
- Ma’am wag muna kayong mag-asawa. Magturo muna kayo hanggang kami ay makagraduate. ---> Asawa agad? Hindi ba pwedeng mag post-grad studies muna at magpayaman ng bongga?
- There’s a danger in loving somebody too much, And it’s sad when you know it’s your heart you can’t trust. There’s a reason why people don’t say where they are because sometimes love just ain’t enough. ---> Buseet.
- Ma’am (na perfect at nawa’y single) bigyan niyo sana ng chance ang kuya ko. He’s nice and ideal and would never break your heart. Swear! ---> Naks. Haba ng hair. Ipakilala na ang kuya! Madali! (Wow, interested din hehe)
- Ang payo ko po sa kanya, ‘wag po siyang magpapadala sa mga gwapong nilalang. Mahirap na. ‘Di ko naman po nilalahat pero kadalasan babaero sila.
- Ipapayo ko sa kanya na sana huwag niyang masyadong i-intimidate ang mga taong nagkakagusto sa kanya.
- Lovelife should make you love life. Malayo pa ang mararating natin kaya’t ang lovelife ay nararapat lamang na sumusuporta muna sa mga indibidwal na plano ng magsing-irog at hindi sentro ng kani-kanilang buhay.
- Chill lang. darating din yan. Good things come to those who wait. Kung may nagugustuhan ka na, ipakilala ang totoong sarili. Tandaan: Walang perfect na tao. Lalo na’t walang perfect na lalaki. Walang perfect na taong nagugustuhan. Walang perfect na boyfriend. Walang perfect na relasyon na feeling ko marerealize mo naman pag andun ka na. Just don’t expect anyone to be perfect and don’t expect things to go smoothly. Nahanap mo na siya? GO FOR IT!
3. Buuin ang pangungusap. Kung sakaling maffriendzone man ako, ______.
- ...sisiguraduhin kong pagsisisihan nya 'yon.
- O di mafriendzone! Siya lang tao sa mundo?
- Okay lang. Sanay na ako.
- Tuloy pa rin ang buhay.
- Maghahanap nalang ako ng iba. At sino siya para ifriendzone ako?! The nerve!!!
- Sana mafriendzone din siya sa taong gusto niya. Bitter Ocampo ang peg.
- Being stuck in a friendzone is a psychological suicide.
- Okay lang pero masakit.
- Andito naman ako. Inom po tayo.
- Kukulamin ko siya para di na lang kami friends. O kaya pupunta ako ng Haiti para siya ay mazombify.
- ...at kung ang dahilan nun ay ibang tao, dapat mas maganda sa akin.
- Makakarma din yun.
- Kawawa ka. Onti lang ang mga gwapong long hair na lalaki sa mundo. ---> at ako talaga ang kawawa? Ekskyushmi?!
- Mapapatay ko siya. ---> Medyo bayolente.
- ... bakit ‘di nalang ikaw? ---> Singko!
- ... PUNYETA.
- ... sa huli, siya naman ang maghahabol sa akin. ---> That’s the spirit!
- ... sisiguraduhin kong mas gwapo sa kanya ang magiging bagong crush ko. --->Yehess, hanap agad-agad!
- Bahala siya sa buhay niya. It’s his loss. Not mine.
4. Magbigay ng isang linyang nabanggit ng iyong mala-diyosang guro na hindi mo makakalimutan. Yiee.
-"Buti pa ang course, minamahal."
- Mam, pwede pong word nalang. Lagi ko pong naririnig sa inyo yung "love".
- "Grades do not define who we are." Extending po kasi ako. "Grades do not define who you are. You are more than your grades." (Caday, 2013) ---> Hindi ko kinaya ang citation. #NoToPlagiarism
-"Don't compete with others. Compete with yourself."
- I'm not good with verbatim quotes because I have a memory of a goldfish but I have learned a lot of life lessons, not just about love but also about effort and hard work that have stuck with me.
- "Pancit canton, nissin cup noodles, ginisang sayote and baguio beans" during her speech.
- "Pumasok ka na next meeting." I cried after that convo. ---> Ha? Wait! May mali ba sa sinabi ko? Di ko gets. Haha
- "Friends lang kami!" nang minsang magkwento ukol sa isang "kuya ganito" at isa pang "kuya ganyan". ---> Oi te, wag kang sinungaling. Wala akong pinagkwekwekntong ganyan. [insert defensive tone with matching irap here].
- "Love takes time." -September 18, 2013. ---> Alam na.
- Hindi ko makakalimutan na dinescribe ng aming teacher na “mala-diyosa” ang kanyang sarili. ---> O e bakit? May angal?
- “Love knows no religion.”
- “Mabuhay ang bente pesos!”
- “But where do we draw the line?” Naisip ko kasi pwede ito sa patintero.
5. Napansin mo bang napaka-"teacher-centered" ng mga bonus questions niyo? Ipaliwanag ang hindi pag-sangayon.
- Hindi ito teacher-centered. hindi nabanggit sa bawat tanong ang salitang teacher. Hinding hindi talaga.
- Hindi! Hindi teacher-centered ang mga bonus questions. It's a question of self-reflection, counselling, memory of quotes, urges and never about teachers and being teacher-centered. Never! ---> Hindi ko kinaya yung "urges".
- I agree. Curious lang ako. Pano na siya after years of teaching? Ganyan pa din kaya? May candies pa ba pag exam? ---> Wow, yung candies pag exam talaga ang inalala. Hmm, sana naman, mayaman na ako by that time para tigdadalawang slices na kayo ng cake from red ribbon pag exams. With matching cobra, pantulak. Bongga!
- Hindi naman. In a way, psychological test ito para malaman kung may sayad yung sumasagot.
- Hindi. Hindi ako sumasang-ayon dahil feeling ko mas centered sa puso.
6. Happy ka? Sino? Pangalanan. Buo.
- Buo talaga? Pano pag nasa classroom? ---> kaya naman pala walang absences. May motivation para pumasok.
- Hindi e. Hindi ako kilala ni crush.
- Si God. Wala po munang sparks.
- Opo naman. Kahit hindi ko sya nakita ng mahigit isang linggo. ---> Isang linggo mo na ring hindi binabasa ang assigned readings mo. Inuna mo pa ang crush. Haliparot.
- HAHAHAHA. No. I'd rather not get the point/score for this item. Masikreto ako eh. ---> Odi sige. Wish granted. 5 points ka lang sa bonus. Sayang.
- Ma’am Marchellene Caday para sa napaka-inam na semestre. Maraming salamat! --->Bigyan ng plus 10!
*** May pahabol pa ang isa kong estudyante:
Conclusion: “I have learned a lot from this class. It opened my mind and gave me even a larger perspective on how to understand human behaviour and societies by first looking at history, at traditional societies, its institutions and functions. Hindi nasayang ang tuition ko.”
Thanks, guys! I’m learning a lot from you too!
Stressful yet rewarding job, indeed!
Cheers to SA 151! Cheers to all my students!
PS. Oi, may final exam pa tayo. Haha! UP FIGHT!
Idol ko na si ms. Maladyosang teacher! :D
ReplyDeleteIdol ko na din si Mam Dyosa! i want to meet her. She's so cool... :D
ReplyDeleteAng galing ni mam! sana maging prof ko din sya! haha
ReplyDeleteCool talaga! :D
ReplyDelete