"Si Dingdong at Ako" ni Dax C.

 



panahon ng lumang bato at kasikatan pa ni Dingdong dantes

UPD 2005 i think

nakareceive ako ng text na nagjojogging daw siya sa acad oval, kaya bonggang para ako ng jeep, call a friend at abang sa isang bench sa may sunken sa tapat ng vinzons.

nang sa wakas nakita namin si Dong na nag jojog from educ going towards our direction.

more more push ako sa friend ko na mag papicture in a very talakera manner. umaayaw/umaarte si fotah.

kaya i had a brilliant plan.

nang malapit na si dong samin, eh tumayo ako, acting all upset, at "natapilok" at "natapon" lahat ng readings sa grass.

so habang "pinupulot" ko ang mga readings ay nasilip ko sa ilalim ang mga binti ni dong na papalapit.

tagumpay.

kaso pasok ang friend

"ano ba naman yan ang tangatanga mo naman..." at pinulot ang lahat ng "tumapon" na readings in one scoop.

nakita ko ring umatras ang mga paa ni dong.

"pakyu ka." sabi ko kay friend

"ha? bakit?!" sabi ni friend

minsan na nga lang makamit ang tagumpay may panira pa.

No comments:

Post a Comment