"Mga Bata sa Drag Race" ni Jerry P. A. Jr.


 
Uso noon ang drag racing, it was the 2nd to the last sultada and I'm in it... it was my Mitsu against a Honda Sir... ganda ng weather conditions, ganda ng concrete temperature, maaliwalas sa high-way, naka-switch lahat ng mga street lights within 500 meters and most of all, maganda pagkaka-tono ng oto ko, (na nanibak ng 2 oto that same night), dream match talaga, nut per freakin' nut...

So the time came na we arranged the cars sa starting, reving and did burn-outs for tire traction... human xmas tree gamit namin (meaning tao ang ginamit namin pang-start ng race) and nakready na din ung 2 pick-ups sa finish line...
 
So ayan na naka-plus 2 ung oto nya, (meaning two car lengths ang lamang nya sa starting) well, un ang deal namin nun, since i was driving a stonger car...

Tumingin sa akin ung human xmas tree namin signifying kung ready na ako and gnun din ang ginawa nya sa kabila...

3...2... 1...sabay baba ng kamay ng xmas tree guy namin...at HAYUN!

Sobrang pedal to the metal...

1st gear... lamang ung Honda sa akin ng isang hood..

2nd gear... dun na lumundag oto ko at lumamang ng isang hood...

3rd gear... lamang na lamang nako ng kalahating oto, sabi ko sa sarili ko: "akin na to..."

Then all of a sudden, di ko namalayang pa-shift palang sya ng 3rd gear nya at hayun lumamang sya ng isang hood, instinct tells na di ako puwede mag shift ng 4th kasi mawawalan ng hatak oto ko, but a funny thing happened, mga last 10-20 ft. biglang lumamang ung oto ko and i heard nagpreno ung kalaban ko at napa-swerve sa side ko and almost clipping my rear bumper...

Paglampas namin sa finish line, nagmamadaling bumalik sa starting area yung kalaro ko, at hinabol ko naman, kasi may kasalanan sya sa akin...

Pagkababa nya sa oto nya na nakabalagbag sa highway, pinalibutan sya agad ng mga kasama nya asking what went wrong, ako naman, sa sobrang inis, bumaba ako ng oto na nakabalagbag din, na dala ang bat ko at iaakmang ihahampas ko na sa kanya nang bigla akong inawat ng mga kasama ko, at murahan at kasahan na ang nangyari. Nang mahimasmasan ang lahat, namumutlang ngkwento ung nakalaban ko and he went:

"Pare sorry talaga sa nangyari kanina, di ko sinasadya... wala akong intention na manakit... magaling ka and it was a clean race..." pero namumutla na parang uhaw nyang sinabi na: "nung lamang ako syo kanina ng isang hood, biglang may mga batang tumatapik sa hood ko, MGA BATA, mga 12 basta mahigit sa 10 sila na parang may sinasabi na di ko maintindihan, kaya ako biglang napaapak sa preno at nag-swerve sa side mo... sorry tlg pare..." 
 
Sabay abot ng kamay sa akin para humingi ng dispensa... pero madami kaming di naniwala...

Nung akmang pabalik na kami sa mga oto namin kasi nakahambalang sa daan dahil sa muntik nang rambol, napasigaw ung kasama nilang girl sa team nila pointing sa hood ng kasamahan nila... lahat kami, kinilabutan.... MAY MGA HANDPRINTS nga ng mga bata sa hood nya na parang naghalong tuyo at basang putik... ANDAMI, halos mapuno hood nya pati sa headlights nya... (what's weird is summer noon at di umulan... san galing ung putik?)

Nagkatitigan lang kami lahat na magkakateam, pinituhan ung tagahawak ng pusta sabay hagis ng pera sa isa naming kasamahan... sabay alisan na...

Spooky no? Ever heard of a home team ghost?
 

No comments:

Post a Comment