Taong 2010. Undergrad pa ko nito, naka dorm ako sa Yakal. Isang araw, nagkayayaan kaming tatlong mag oorgmates na mag-aral sa Katip. Medyo ginabi kaya nung pauwi na, nag trike kami hanggang Romulo. Sa loob, naghintay kami ng taxi, kasi yung dalawang orgmates ay hindi naka dorm.
Habang naghihintay kami sa shed sa gilid ng Romulo, biglang napakwento si orgmate na nagla-Law.
J: "Alam nyo, may creepy experience ako dito sa shed nung one time nag-aabang ako ng jeep after class dyan sa Malcolm."
Ako: "Ano nangyari?"
J: "Pagabi na yun tapos wala nang masyadong students kase pa-sembreak na. Nag-aabang ako ng Ikot dito, tapos mula sa malayo, may nakita akong Ikot na sobrang bagal ang takbo, parang karo ng patay. Pero pinara ko pa rin.
Tapos nung malapit na, napansin ko na lahat ng tao, nakaputi at blangko ang expression ng mukha. Parang nakatingin lang sa kawalan. Ang weird pa kasi hindi ako hinintuan ng driver kahit hindi ako tumitigil kaka-para."
Natakot ako sa kwento, pero hindi yung isang orgmate (F) kase di sya naniniwala sa multo. Kaya sabi ko, alis na kami sa shed na yun baka kung ano pa makita namin. Nag suggest ako na dun na lang sila mag-abang ng taxi sa harap ng Yakal. Pagdating ng shed sa harap ng Molave-Yakal, biglang may humintong taxi pero mga 10 meters ang layo nito sa amin.
Kumaway yung driver nang nakangiti, parang sinasabi, "Taxi?"
Palapit na kami sa cab nung may mapansin akong may gumagalaw sa passenger seat.
Ako: "Wait ano yun? Manika?"
J: "Ay oo nga ano yun? Bat sumasayaw?"
F: "Wala yan tara na, J. Bye, Danie."
A: "Uy sandali lang! Wag kayong sumakay dyan, hindi ata yan manika."
F: "Doll yan, jusko. Dancing manika, haha."
J: "Sinong matinong driver ang maglalagay ng life-size doll sa passenger seat at sumasayaw sayaw pa? Ay hala, bakit ganun mukha nung bata?"
A: "Bakit anong...? Shit distorted yung mukha. Uy wag ibang taxi na lang."
J: "Iba na, lang. Di ako sasakay dyan."
F: "Mga paranoid kayo." (Tapos kumaway sya sa taxi na hindi sila sasakay.)
Kaway lang nang kaway sa amin yung driver all along. Either maysa-demonyo sya o hindi nya nakikita yung batang sumasayaw sa tabi nya. Distorted yung mukha nung bata/manika, parang tocino, ganun. After several seconds, umalis din yung taxi.
At hindi na ko lumingon nung pabalik na ko ng dorm pagkatapos ko silang maisakay sa ibang taxi.
No comments:
Post a Comment