"Flowers at Balloons" ni Heizel A.E.O.

 UPB. Ecology Class. February 14, 2006.

Habang nagdi-discuss si Sir sa klase, kumatok si Manong Janitor (MJ), dala-dala ang isang bouquet ng flowers at isang bouquet ng balloons.

MJ: Sir, excuse me po, may nagpapabigay lang po sa mga to.

Nang narinig na ang "go ahead" mula kay Sir, unti-unting lumapit sa akin si Kuya para iabot ang flowers. Ako'y natulala. Kinilig. Sa isip ko'y binibigkas ang mga salitang, "Naku sana yung crush ko (kaklase ko) ang nagbigay nito!"

Pero teka, teka! Si Manong papalapit naman sa crush ko para iabot ang balloon na hawak nito. Parang bumagsak ang mundo ko. Shocks, may iba ring nagkaka-crush sa crush ko!!

May nakasulat sa card. Napakatamis na quote. Walang pangalan kaya naging malaking katanungan sa aking isipan. Lahat naexcite, nakiusyoso sa kung anumang nakasulat. Nang biglang:

Classmate: Halla, pareho kayo ng nakasulat sa card ng balloons ni ******!

Tumigil ang mundo ko.

Nang ako'y pauwi na, nakasabayan at nakatabi ko sa jeep yung crush ko! 

Siya: May itatanong ako sa'yo.
Ako: (Lub-dub, lub-dub, lub-dub sigaw ng aking puso.) Ako din may itatanong sa'yo.
Siya: Sige ikaw muna.
Ako: Ayoko, ikaw na lang mauna.
Siya: Ikaw ba ang may bigay ng bouquet ng balloons?
Ako: Hindi. ikaw ba ang nagbigay ng bouquet ng flowers? (Lub-dub, lub-dub, lub-dub sigaw muli ng aking puso, umaasa na ang isasagot niya ay Oo.)
Siya: Hindi rin.

Confused. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kami'y napangiti. Kinilig. Puso ko ay tumili!

Pagkatapos ng isa't kalahating buwan, ayun naging kami, and the rest is history! 


Epilogue I:


So after a year (2007), nag-attend ako sa graduation sa UPB dahil summer grad 2006 si Crush na noon ay bf ko na.

Lo and behold, andun pa si Manong Janitor! 


Ako: game kuya, sino nagbigay nung balloons and flowers?
Kuya: Hindi ko nga sasabihin, sikreto nga eh.
Kami: sabihin mo na kuya, eto nga oh, kami na.
Kuya: (kinikilig-kilig)...wooow effective!
Ako: so kuya sino nga?!
Kuya: yung tatlong kaklase niyo...
Kami: (amazed!)

Epilogue 2:


Baka lang may magtanong kung paanong naging kami.

Ilang linggo din ang lumipas mula noong araw na yun. Normal lang, friends kami, hindi namin masyadong isinapuso ang nangyari. Sabi ko nga sa sarili ko, iba ang crush ng crush ko.

Busy na ang lahat dahil patapos na ang eskuwela, ilang linggo na lang graduation na, pahirapan na sa exams, special projects, lab reports, etc.

Habang nag-aantay ng class sa MicroBio.

Siya: lapit na grad, sa tingin mo magkikita pa kaya tayo?

Ako: (nagulat) halla, oo naman siguro.

At ito'y aking binalewala dahil ayoko munang matuliro..

Dalawang linggo na lang final exams na kaya bumuo kaming magkakaklase ng overnight group review sa aking tinitirhan. Nalaman niya kaya naman nakisali din siya. Review, brainstorming blah blah blah. Sa loob ng mga linggong yun, lihim kong minahal siya.

Last night ng group review, kinabukasan final exam na. Tapos graduation na. Tapos byebye Baguio na, byebye na din sa kanya.

Pasok sa UP. Nagrereview pa habang inaantay ang aming prof..pagbukas ko sa bluebook ko (kung nasaan andun ang mga notes ko) isang maliit na punit mula sa pahina ng Bluebook ang aking nakita...
"Mamimiss kita"
Lub-dub, lub-dub, lub-dub (hundred times) ang sigaw ng aking puso.

....at ang sumunod nito ay ako'y kanyang sinuyo.

Salamat sa pagbabasa sa aming munting kuwento.

(Update: They are now happily married).

No comments:

Post a Comment