"Batingaw" ni Almabelle S.D.


 
Serendipity. Vandalism. Baker Hall. UPLB.

3rd year, 2nd sem ko sa college. Nang isang araw, natripan kong pumasok nang mas maaga sa outdoor recreation class ko. Dumeretso na ako from my previous class kaya mga higit isang oras din siguro ako naghintay, nanood sa ibang mga nagpi-PE, nag-ikot at umupo sa mga upuan. Marami namang monoblock chairs pero mas pinili kong maupo sa isang luma at kahoy na upuan. Sa kalumaan nya, madami na ring nakasulat sa upuan kaya pagbabasa muna ang inatupag ko na pampalipas oras. Hanggang sa makakita ako ng isang maliit na sulat na medyo hiwalay sa karamihan,

“Kailan mo ba ako sasagutin?! –BATINGAW”

Napaisip ako bigla. Bakit kelangang sa upuan o sa ibang tao nya pa itanong ang mga bagay na un? Nde nya ba kayang sabihin don sa mismong tao na gusto nyang tanungin non? Natawa ako bigla. Naalala ko ang aking masugid na manliligaw aka friend, blocmate, superclassmate, brod (inaanak ko sa org actually). Sumagi din kaya sa kanyang isip ang mga katanungang yan? Baka naman gusto nya manligaw poreber? Ok naman kami, nag-eeffort naman sya, pero nde ko alam kung ano talaga feeling nya sakin that time. Parang nasabi lang na manliligaw sya. May gusto ang lalaki sa babae pag nanligaw sya dito.. I know! Pero syempre iba pa din yung sinasabi. Tsaka alangan namang sagutin ko sya nang nde nalalaman kung ano talaga nararamdaman nya? Niligawan lang ata ako non dahil niloloko kami ng orgmates namin eh..

Well, naexcite naman akong sagutin ang nakasulat sa upuan dahil na rin sa pinagdadaanan ko ng mga panahong yun. At dahil bored din ako, nagvandalize narin ako. Haha!

Bakit nde mo kaya sa kanya itanong yan?!”, ang sinulat ko. At saka iniwan ang upuan.

T-TH ang schedule ng PE ko non kaya nung pagbalik ko, nagbaka-sakali nalang din akong sumagot si “kuyang problematic”. At di ako nadisappoint dahil sumagot sya.

Itanong sa kanya? Kelangan pa ba yun?” ang sagot nya

Hmmm.. Mukhang naiinip na si kuya pero wala naman syang lakas ng loob para itanong yun? Maghihintay nalang siguro ng grasya sa Maykapal. Sinagot ko ulit siya,

Syempre! Try mo kayang sabihin sa kanya ang feelings mo kung di mo pa nasasabi at para malaman mo rin feelings nya!” 
 
Hahaha! natatawa ako habang sinusulat yon. Feeling love doctor naman ang peg ko. Baka nabatukan na ko ng taong yun kung malaman nyang ako ang nagsulat non. LOL

Nung sumunod na linggo, un agad ang chineck ko pagdating ko sa Baker Hall. Ilang araw ko ding inisip kung ano ang isasagot nya sa sinabi ko. But no! Nawawala na ang upuan. Nde ko na makita nawala bigla ang excitement ko. Nde ko na malalaman kung sumagot sya o hindi. Natuwa pa man din ako kay kuya dahil feeling ko naman eh makakatulong din sya sakin para maunawaan ang pag-iisip ng mga lalaki. Chos! Ayun, simula nung araw na yun nde ko na nakita ang upuan... pero blessing in disguise na rin siguro ang nangyari. After mga ilang weeks, nagtapat na din sakin yung manliligaw ko. Eh MU na naman talaga kami, so un kami na.. Nde lang talaga siguro sya expressive (nde ko sasabihing torpe sya. Haha!) Pero nde pa don natatapos ang istorya kasi some months after kong sagutin ung “bf” ko ay nameet ko rin si “kuyang problematic”.

Bored ako nung araw na yun. Summer classes at wala akong ibang pampalipas-oras kundi tumambay sa dorm ng bf ko. Natripan kong maglaro at pakialaman ang pc nya.. may password pala! So tinanong ko sya.

Ako: Ui password mo?
BATINGAW” ang sabi nya.

Natigilan ako. Nagulat. Naguluhan. Naalala ko ang mga sulat na nakita ko sa upuan sa Baker. Nakatitig ako sa kanya. Nakatitig din sya sakin. Makahulugan. Parang alam na nya ang nasa isip ko. Ngumiti sya bigla at sinabing,

“Batingaw... Tagalog ng Bell(e)”

No comments:

Post a Comment