"Belo" ni Beverly A.




Isang karanasan ng ako'y sa loob pa ng "XYZ" compound (di tunay na pangalan ng lugar) sa pinagta trabahuhan kong hospital dito sa Riyadh nakatira.

Nasa loob ako noon ng room ko sa compound ng hospital na pinapasukan ko, that time ay di pa kami kumukuha ng bahay sa labas ng mister ko dahil kababalik pa lang din niya sa bagong company na inapplayan niya at mag iisang buwan pa lang siya dito. 

Medyo masama ang pakiramdam ko noon kaya't nakahiga lang ako pero nakabukas ang laptop dahil may binabasa akong article na guide para sa gagawin naming project sa hospital.

Nag ring ang cp ko, mister ko ang nasa kabilang linya at pinapa on niya ang camera sa laptop para makita daw niya ako habang nagwa YM kami, tinanong ko siya kung may mga kasama siya kasi nga nakahiga ako at gulong gulo ang buhok ko kaya kinakailangan ko pang mag ayos ng konti. Ok lang naman daw, hayaan ko na at wag ko nalang daw silang pansinin. Sa bachelors compound nakatira noon ang mister ko kaya may mga kasama siya sa kwarto.

Masaya kaming nagkukwentuhan nung time na 'yon, maya maya, napansin ko na napatigil siya, matagal siyang napatitig or sabihin na nating may tinitingnan siya sa camera ko. 
"Ma, sino yang kasama mo diyan...?" 
Di muna ako sumagot, alam niyang solo ako sa kwarto at nung time na yun ay mag isa ako sa flat dahil may pasok ang kasama ko na nasa kabilang kwarto. Di ako gumagalaw sa posisyon ko na noon ay nakadapa habang nakikipag chat.
"Sino yang babae sa likod mo na naka belo ng itim...? 
Alam kong di niya sinasadya ang magtanong sa akin dahil alam niyang magpa panic ako lalo't mag isa akong naiwan sa flat. Na freeze ako sa kinalalagyan ko, naglamig bigla ang buong katawan ko, helpless ang pakiramdam ko.

Nakita ko na nakasilip na ang mga kasama niya sa camera, inuusyuso siguro ang nakita ng mister ko. Muntik na akong sumigaw ng malakas sa pagka gulat nang tumunog ang cp ko at sinabi ng mister ko na nawala daw ako at parang may tela na hinarang sa screen ko kaya't wala na siyang makita. 

Wag mong ibababa ang telepono, pakiusap ko sa kanya. Wala na akong maisip gawin sa sobrang takot at nangangatal na ang buo kong katawan. Di pa rin ako maka kilos sa kinalalagyan ko. Pinayuhan niya akong magpatugtog ng music para medyo may ingay sa loob ng flat pero paano ko gagawin yun, nasa salas pa ang component at di nga ako makakilos sa sobrang takot.

Nagawa kong ayusin ang sarili ko sa pagkakahiga. Isinara ko ang laptop. Nagtalukbong ako ng makapal na blanket. Sige pa rin ang pakikipag usap ko sa mister ko kahit nasa loob na ako ng blanket at nang medyo mapanatag na ako ng konti sinabi ko na sa kanya na patayin na niya ang cp niya at magdadasal na lang ako. Nakatulugan ko ang pagdarasal...

Pinuntahan niya ako kinabukasan, wala siyang binabanggit tungkol doon o sadyang ayaw lang niyang ulitin pa at maaalala ko na naman at patuloy lang akong matatakot. Nag decide kami na bilisan na namin ang processing ng papers namin para ako ay makaalis na sa loob ng hospital compound. Alam naming parehas na dating sementeryo ang pinagtayuan ng mga buildings at villas ng hospital compound.

No comments:

Post a Comment